Pages

Tuloy po kayo!!!

Halina't basahin, sulat na sariling akin... mula sa isip na malikhain...

Wednesday, November 28, 2012

YANORIA FAMILY

YANORIA FAMILY By: Mike C. Ordonez Salamat sa Pamilyang aking pinuntahan ‘Pagkat ako’y itinuring higit pa sa kaybigan Kaya’t marapat lamang kayo’y pasalamatan At itong aking tula’y sa inyo ay ialay. Jessie at Pilar ang pangalan ng Ama at Ina May tatlong supling pinagkaloob ng Diyos Ama Pawa silang masasaya simula pa noong una Dahil sa pag-papasunuran at pag-mamahalan nila. Dahil sa kasipagan at pagsusumikap sa buhay Kanilang na ipundar bus na pang hanap-buhay Na naging susi upang marami pa ang matulungan Lalo’t higit ang mga kapos sa buhay. Ang pangarap na bahay sumunod na hinangad Kaya’t sa pag hahanap-buhay lalo pang nag-sipag. Sa tulong ng banko doon sila’y nag babayad At di nga nag laon ito’y napa sa kanilang palad. Ang tanging pangarap sa kanilang mga anak Sila ay umunlad , umasenso silang lahat Kaya’t sa pag aaral laging itinutulak Upang karunungan sa kanila malagak.
Hindi man maituturing na perpekto ang pamilya Ang importante ay nag mamahalan sila Lalot higit ang mag asawa Na tutularan ng mga anak niya Tunay ngang ako’y mapalad at sa inyo’y napadpad Sa kasipagan nyo, sana ako ay matulad Upang ang misyon sa buhay ay aking matupad At maraming matulungan lalo’t higit ang mga kapus palad. Salamat po, Tito Jessie at Tita Pilar.

Friday, March 16, 2012

Mika Summer...








Nauna na si MIka Mag summer....

Sunday, October 16, 2011

Anibersaryo


Maraming plano...
sa pag sapit ng unang anibersaryo.
ngunit di magawa pagkat malayo sa'yo
dahil na din sa aking trabaho...

Wag magtampo mahal ko
Sapagkat kahit mag-kalayo
ikaw pa din ang nasa isip ko
iyon ay di na mag babago...

Naalala ko pag noong magkasintahan tayo
Unang buwan palang nag celebrate na tayo
meron pa nga tayong regalo....
hanggang ngayon ay iniingatan ko...

Mahal, alam kong mahalaga sayo ang araw na ito
tulad noong araw na kinasal tayo...
diba't ikaw ang may sabi tanggapin ko ang offer na ito
at isiping para sa pamilya natin ito...

Mahal, naiis kong malaman mo
ang lahat ng pinangako ko
ay sariwa sa alaala ko
kahit umulan man o bumagyo.

Maligayang anibersaryo... mahal ko
isang Taon na tayo...

yahoooo....

Friday, July 29, 2011

Si Nanay- assignment ng grade 3 pupil sa MRMES


Naalala ko tuwing umaga, ginigising niya ako para pumasok sa paaralan. Iginagayak ang aking pampaligo at bihisan. pagkatapos ay ipaghahain ng pagkain , habang sinusuklay nya ang manipis kong buhok. Inihahatid sa tarangkahan ng aming bahay.

Habang ako'y nasa paralan at nag aaral, doon naman nag sisimulang maglinis ng aming bahay si nanay. Nilalaban ang aming damit. Bago mag tanghalian ay muli siyang nag luluto ng pagkain namin. Muli niya akong pinag hahain at kinakamusta ang aking pag aaral. Hindi siya umaalis sa aking tabi hanggat hindi ako tapos kumain. may malamig na tubig sa tabi ng aking plato.

Pagkatapos naming kumain, ay inihahanda niya ang mga retaso na gagawing doormat at potholder. iyon kasi ang aming kinabubuhay simula ng sumakabilang buhay si tatay. Dinideliver niya kay aling Nena ang mga natatapos nyang doormat at potholder.

Tuwing gabi matapos ang aming hapunan, ay pinupunasan niya ako mula ulo hangang paa. malikot kasi ako, kaya madalas madumi sa katawan dahil sa kakalaro tuwing hapon. Medyo lampa ako kaya madalas nadadapa. nahihiya nga ako kay nanay kapag lilinisan niya ako, kasi pati dun..xxxx....pinupunasan nya. Okey lang sa kanya yun basta malinis ang aking katawan.

Bago kami matulog, Tinuturuan niya akong mag dasal. Naririning ko nga sa dasal nya na puro sa kabutihan ko ang sinasambit.

Nais kong pasalamat ang aking Nanay sa lahat ng kabutihan nyang ginagawa para sa akin mula pag gising sa umaga hangang sa pagtulog sa gabi. Si Nanay ang aking SUPER HERO. Si Nanay ang aking IDOL.
Mahal na mahal ko si nanay. Salamat sa iyo NANAY.
bow.....

Thursday, July 21, 2011

DUBAI


Ako si Erika isang OFW at ito ang kwento ng buhay ko.

Maswerte ako at ilang araw palang makaraan ang aming graduation ay nakahanap na ako ng trabaho. Take note, sa Dubai. Cashier sa isang malaking Mall doon. Madalian ang pag ka ayos ng aking papers, magaling ang agency na pinag applyan ko. Pati passport ko ay sila ang nag asikaso ng mga kailangan. Yun nga lang malaki ang gastos. Pero sabi nila mababawi naman daw agad dahil malaki ang sweldo ko doon. Tama nga sila halos ilang buwan palang ay nabawi ko na ang mga nagastos ko. Kasama na dyan ang matinding pag titipid ko. Sa halip na kumain ako sa food court ng mall ay nag babaon ako ng pagkain ko, na niluluto ko tuwing umaga. At kadalasa’y pang maghapon ko na pagkain iyon.

Sa mall din iyon nakilala ko ang aking naging asawa si Jomar. Isa rin siyang OFW sa dubai. Engineer siya. Madalas noong mamili ng gamit sa mall kung saan ako nag tatrabaho. Bagamat pang ladies section kung saan ako naka duty ay doon siya gumagawi sa tuwing mag babayad na siya. Kaya pala iba ang pakay. Gustong manligaw. Minsan nga akala ko mag babayad siya, nang biglang inabot ang isang bouquet ng bulaklak. Nagtinginan ang mga kasamahan kong mga Filipino at sabi ang sweet naman.
Naging mag boy friend at girlfriend kami doon. Madalas kaming lumalabas para manood ng sine o kaya ay namamasyal. Hanggang sa mag propose siya sa akin ng kasal. Noong una, ay di ako makapaniwala, dahil inisip ko dito pa sa ibayong dagat makikilala ang aking mapapangasawa. Pero na pa OO na din ako. Sino ba naman ang di mapapa OO sa kanya. Naalala ko pa ang mga sandaling iyon. Dinala nya ako sa construction area na pinag tatrabahuhan nya. At sa harap ng mataas na building na hindi pa tapos ay pinatingnan maigi sa akin. Pero sabiko anu titinggnan ko jan, e di pa nga tapos. Mag antay ka lang. may tinawagan siya. At habang nakatingin ako ay bumaba ang malapad na puting tarpaulin na may nakasulat na “Will you Marry me?” o diba kayo kaya ano masasagot nyo. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yon, hindi pala.

Nang mag karoon ako ng bakasyon ay sabay kami umuwe ni Jomar. At sa dito kami sa Pilipipnas kanisal. At noon din ay napag pasyahan ni Jomar na dito nalang siya mag tatrabaho. May kaunting ipon naman ako Erika ipag sisimula ko ito ng negosyo. Pumayag naman ako sa dasisyon nya. At ako nalang ang bumalik ng Dubai. Ilang buwan ang lumipas ay nag dalang tao na din ako. Kaya’t pinauwe na din ako ng aking employer na may pangakong pagkapanganak mo nalang saka ka bumalik. Ganon nga ang ginawa ko umuwe ako ng Pilipinas at doon ko sinilang ang aming panganay. Mag kasama rin kami ni Jomar na pinalalago ang computer shop na kanyang itinayo. Mula sa sampung unit ay halos naging triple ito. Pero katulad din ng ibang negosyo gaano man kasipag ang gawin mo ay darating sa puntong mahina ang kita. Kaya noong pwede na iwanan ang aming anak ay bumalik muli ako sa dubai. Naging maayos ang kita ko doon, patuloy kong pinadadalan ang aking mag ama. Gaya ng dati kaunting sakripisyo para makaipon. Halos mag dadalawang taon na ako sa dubai ng biglang may nag text sa akin mula sa Pilipinas isang concern citizen daw siya. Ikinwento niya ang ginagawa ng aking asawa. Madalas daw ay lasing siya. Maraming barkada ang nag pupunta sa bahay. Minsan pa nga daw ay may mga babae pa, na makikita nalang na lumalabas sa pinto ng aming bahay kapag maga na. Nag alala ako sa text na iyon kaya dagli akong tumawag sa aking asawa upang kamustahin siya. Na wari’y walang alam sa nangyayari. Kinamusta ko din ang aming anak. Mabuti naman tumawag ka, akala ko text nalang ang mababasa ko, na sasabihing nag padala ka ng pera. Di ko nagustuhan ang tono ng kanyang pananalita, kaya nag taas ako ng boses at nagalit. At dire-diretso na ang aking pananalita. Akala mo ba diko alam ang mga ginagawa mo dyan? Alam mo kung gaano kahirap mag trabaho dito sa ibang bansa. Isinasakripisyo ko na di makasama ang ating anak para sa kinabukasan ng ating pamilya. Tapos ano gagawin mo dyan. Mag-i-inom, nag babarkada, nangba-babae? Di mo naiisip andito yung asawa mo nangungulila, tapos ikaw nag papakasaya ka dyan. O bakit sino ba me gusto na bumalik ka dyan. diba IKAW? Sinabi ko naman sa iyo noon, na dito nalang tayo, sama-sama tapos ikaw tong mapilit sa lecheng Dubai na yan. Dika makuntento kung ano ang meron tayo. Mataas masyado ang pangarap mo. Akala mo ba ikaw lang nahihirapan? Noong umalis ka, sino ba nag alaga ng anak mo? Diba ako… yung gawain ng isang Ina, pinagawa mo sa akin. Tapos sasabihin mong nahihirapan ka…

Di ko na nakaya pang pakinggan ang kanyang mga sinasabi sa sama ng loob, kaya binaba ko nalang ang telepono. At umiyak ng umiyak. Iyon ang unang pagkakataon na pinag taasan nya ako ng boses. Di ko din inakalang masasabi nya sa akin iyon. Hindi kasi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya.
Gayun pa man, di pa din nawala ang pag respeto at pagmamahal ko sa kanya. Tinapos ko nalang ang kontrata ko , at umuwe sa Pilipinas. Inayos naming mag asawa ang mga problema. At nag simulang muli kasama ng aming mga anak… At doon ko napatunyang hindi masusukat ng kayamanan ang tagumpay ng isang pamilya. bagkus, sa tatag ng bawat miyembro ng pamilya sa pag harap sa hapon ng buhay ng sama-sama.

Monday, July 18, 2011

Pangako ...Napako


“Ikaw Jaime, na ngangako ka ba na si Amor lamang ang iyong iibigin at itatanging karugtong ng buhay mula ngayon at kalian man? Opo Father. Tandang tanda ko ang mga katagang ito noong tayo’y ikinasal. At ito rin ang ipinangako ko sa’yo noong ako’y papaalis patungong Canada. Pero bakit ngayon ko pa naalala ang mga ito, sa tuwing kasama ko si Karla.
Si Karla ay isang Nurse sa isang hospital malapit sa pinagtatrabahuhan ko. Nakilala ko siya noong pagkatapos nating mag usap sa cellphone noong nakaraang Mayo. Diba’t tumawag ka para ipaalam sa akin ang kalagayan ng ating bunsong si Jhon-jhon na noon ay may sakit. Kailangan ng pera para maoperahan agad siya. Walang wala akong pera noong mga oras na iyon dahil ang sweldo ko ay kinuha ng agency na nag pasok sa akin dito. Kaya masamang-masama ang loob ko at wala akong magawa para tulungan ang anak natin. Kayat diko mapigilang mapaiyak habang nag lalakad patungong planta. At di ko sinasadyang makabangga sa pag lalakad si Karla. Mabilis na sorry ang sabi ko at patuloy ako sa pag lakad. Ngunit sumunod siya at nag tanong, are you from Philippines? yes sagot ko. Me too. By the way I’m Karla. Mukhang imiiyak ka ata? Pa birong patanong sa akin… at patuloy sa pagkausap sa akin.hanggang sa imbitahan niya akong umupo muna at makipag kwentuhan saglit. Dahil sabik daw siya makakita ng kababayan doon sa lugar na iyon. Doon ko naikwento ang kalagayan ng ating anak. Di ko naman nais na kaawaan niya ako, ay siya na mismo ang nakaramdam ng pag kaawa sa ating anak, kayat binigyan niya ako ng pera. Eto o, makatulong man lang ako sa kababayan ko. Ipadala mo agad para maipagamot ang anak mo.
Di ako nag aksya ng oras para ipadala iyon sa inyo, at lubos ang aking pasasalamat kay Karla. Nangako ako sa kanya na sa pag sweldo ko ay papalitan sa kanya. Ngunit tumanggi ito at sabi hayaan mo na. Bilang pag tanaw ng utang na loob sa kanya ay nag boluntaryo akong mag linis ng kanyang bahay. At doon unti-unting nahulog ang loob nya sa akin. Nakagiliwan ang pagiging palabiro ko. at pag aasikaso sa kanya sa bahay niya. Para sa akin ay pag tanaw lang ito ng utang na loob. Hanggang isang gabi tumawag siya sa akin at nag pasundo dahil di niya kayang mag drive dahil sa kalasingan. Pinuntahan ko siya at iniuwe sa bahay niya. Diko siya iniwan, pinalitan ng damit at pinunasan ng bimpo ang kanyang noo. Ng bigla niya akong hinalikan… at hanggang sa may mangyari sa aming dalawa. Alam ko alam nya ang nangyari noong gabing iyon. Dahil naulit pa ito ng maraming beses sa paglipas ng mga araw… sa bahay nya na ako pinatira para daw dina ako mag bayad ng renta at ipadala ko nalang sa aking pamilya. Pumayag na din ako para sa inyo rin naman ito, ang inisip ko.
Ngunit sa tuwing katabi ko si Karla, ang Kalembang ng kampana sa simbahan ang naririnig ko, at ang koro na umaawit ng ating paboritong kanta. At ang patuloy na tanong ng pari sa akin… “Ikaw Jaime, na ngangako kaba na si Amor lamang ang iyong iibigin at itatanging karugtong ng buhay mula ngayon at kalian man?” at bigla kong iniaalis ang aking bisig sa pag kaakap kay Karla….

Saturday, July 16, 2011

Liham

July 17, 2011

Mahal,

Mahal pasensya kana kung madalas nagiging matampuhin ako, dala lang marahil ito ng aking pangungulila sa inyo ng ating anak. Alam mo bang sa sandaling matapos ang ating usapan sa telepono ay parang nawawala na din ang kabyak ng aking puso, na tila nahihirapan sa pag tibok.
Noong isang gabi nga diko namalayan na naidlip pala ako sa aking kinauupuan, habang naka tingin sa butiin, nangangarap ng ilang panahon nalang ay makakasama ko na kayo ni baby. Halos ilang buwan palamang na iwanan ko siya, kaya marahil pag uwe ko hindi nya ako kilala. Siguro sa boses lang niya ko kilala pero sa itsura ko ay hindi.
Ilang taon din ang aking bubunuin dito bago matapos ang aking kontrata, halos mag dadalawang taon palang ay nais ko ng umuwe para makasama kayong mag-ina. Sabik na sabik akong muli kong makilik si baby. Awitan habang pinatutulog. Tinitiis ang matinis na iyak, at patuloy sa pag hele para makatulog ng mahimbing. At sa sandaling mapatulog sa aking bisig ay napapayapa ang aking kalooban. Na wari’y nasa isang sulok ng langit at nag papahinga, at dagli din napapawi ang aking pagod sa mag hapong pag babanat ng buto.
Alam mo ba, habang nag tatrabaho ako ikaw at si baby ang nasaiisip ko. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa inyo kahit mahirap. Alam ko naman na maliit lang din ang kita ko dito pero pinagtityagaan ko kaysa dyan sa atin na wala ako trabaho. Noong isang lingo nga diko namalayan na mainit pala ang bakal na kukunin ko, di ako nakapag lagay ng gwantes kaya napaso ako, buti nalang agad ko nabitiwan at di gaanong nasunog ang kamay ko. hanggang ngayon ay masakit pa din, pero kailangang pumasok dahil kung hindi baka mapagalitan ako.
Mahal nga pala, meron akong nakilalang kababayan dito malapit sa pinag tatrabahuhan ko. Balak nya ako pautangin para pambili ng computer para makausap ko kayo at makita sa internet. Excited na nga ako, sa susunod na sahod daw nya ibibigay ung pera. Diba me internet shop dyan malapit sa atin. Pag me time ako mag te-text ako sa iyo para mag chat tayo. Mas mura dun kesa tawag-tawag sa cellphone at isa pa, makikita ko kayo, dahil may video call dun. Pwede dun sa yahoomessenger o kaya sa skype. Diba meron ka naman account dun. Kung di mo na maalala ang password mo o ung user ID mo, sige igagawa nalang kita ng bago. Kayang kayak o yun.
Diko namalayan na hating-gabi na pala. Tinapos ko talaga itong sulat na ito para ipakisabay na ipadala sa iyo. Meron daw kasi uuwe ng pilipinas. Para makatipid na din. Mahal yung allowance nyo ni baby sa sahod ko, ipapadala ko na agad. Mag iingat kayo lagi dyan ah.. mahal na mahal ko kayo.. hanggang sa muli kong sulat..

Paalam..

Nag mamahal

Tatay

Thursday, April 14, 2011

Isang buwan na po ako... mika













Kasama ko si lolo Peng at Lola Gloria....

Kasama din si Mommy Len...

maraming salamat sa gifts nyo.. at pag aalaga.

Thursday, March 17, 2011

Mika Rose Ordonez












MIKA ROSE ORDONEZ
March 9, 2011

4:52pm

Tuesday, March 8, 2011

34th Year Wedding Anniversary "Peng & Gloria Ordonez"




Ikaw-6 ng Marso taong isang libo siyam na raan at pitomput pito, maaga pa'y gising na si peng upang gumayak at mag tungo sa simban dahil iyon ang araw ng kanilang pag iisang dibdib ni Gloria. Di mapakali habang nag aantay sa kanyang irog. Ilang saglit pa'y dumating na ang babaeng itinatangi niya at pag lalaanan ng puso habang buhay. At di nga nag laon sila ay sabay na nag tungong altar upang ipahayag ang pangako sa isa't isa na "mag sasama sa hirap at ginhawa sa dusa at ligaya na ang bawat isa lamang ang mamahalin at itatanging karugtong ng buhay mula sa araw na iyon at kailan man..."

Makalipas ang tatlumpot apat na taon ng kanilang pag sasama, maaga pa'y sabay na gumising ang dalawa. Parang isang araw pa lamang ang lumipas kanilang buhay. Nag muni-muni sa mga nag daan, aba may 5 na pala silang supling. Si Marlon ang panganay sumunod si Melanie (Len),na sinundan namin ni Mike (mas kilala sa Macho) na sinundan ni Minerva(mimi) at ang kanilang bunso na si Mark (Phe).

Tulad ng magkasintahan tuwing sasapit ang araw ng kanila anibersaryo ay nag de-date. gayun din ang ginawa nilang dalawa... halos mag tatanghalian na ng sila'u gumayak upang magtungo sa Mall at doo'y manunood ng sine at pagkatapos ay mag memeryenda... walang ka ide-ideya ang dalawa na habang wala sila sa kanilang bahay ay nag hahanda pala ang kanilang mga anak sa pangunguna ni Marlon kasama ang kanyang asawa na si Maricel. Habang iginagayak ang pagkain ay nag linis naman sila mimi at mag asawang mike at arlene... nilinis ang bahay at iginayak ang mga kasang kapang gagamitin sa salu-salo. at napag katuwaan pa na pati ang kwarto ng kanilang Tatay at Nanay ay ayusin.. pinalitan ng bedsheet , punda ng unan pati maging kumot , na animoy nasa hotel kanilang higaan. habang nag papatugtog si pe ng mga magagandang musika.

Nang matapos na ang pagluluto at habang hinahantay pa ang mag asawa, napag katuwaan pa na para kumpleto ay ang party ay mayroon dapat na ice cream at lobo. kaya't dagli-dagliang nag pagawa ng lobo at bumili ng ice cream. at siyempre di mawawala ang videoke. at may laser na ilaw pa, na parang nasa disco. Ilang sandali pa'y dumating na nga ang inaantay ng lahat. tuwang-tuwang sinalubong ng mga anak at manugang ang mag asawa at niyakap ng mahigpit kasabay ang pag bati sa kanilang anibersayo.

Di masukat ang saya ng bawat isa. Lalo pa't ng magkaroon ng pray over sa pangunguna ng mga ka-couples for christ nila. Isang napakasayang tagpo at karanasan sa kanilang pamilya ang nangyari sa sandaling iyon, dahil lahat ng miyembro ng pamilya maging ang mga bisita ay nagdasal para sa mag-asawa. Halos mapaiyak ang lahat sa galak na naramdaman.

Itutuloy.....sa isang taon naman ,
baka wala na kong maisulat
mawawalan nako ng trabaho .. hehehe

special thanks sa nag ihaw- Gil Castillo
Nagluto ng mga pakian- Maricel
Naglinis ng bahay: Mimi & Arlene
balloon sponsor & ice cream: Len & mike
Videoke: marlon.len,&mike